Taon-taon, ipinagdidiriwang nating mga Pilipino ang Buwan ng Wika upang maisulong natin ang ating pambansang wika.

Kaya ang SFAS nagdiriwang ng Buwan ng Wika noong nakaraang Agosto. Ang paaralan ay napuno ng diwa ng mga Pilipino, ang mga mag-aaral ay nagsusuot sa ating pambansang kasuotan - ang baro’t saya at barong tagalog. Ang mga naganap sa pagdiriwang ito ay ang Sayawang Palabas, Larong Pinoy at mga iba pang gawain sa loob ng silid-aralan.
Sa Sayawang Palabas mayroon temang ibinigay sa iba’t ibang baitang. Ang mga temang ito’y tungkol sa mga katangian ng mga Pilipino, tulad ng: pagiging maka-Diyos, makabayan, mapagmahal sa kalikasan, matulungin sa kapwa, at iba pa. Ang Sayawang Palabas ay ginawa para makita ng mga tao kung anu-ano ang nangyayari sa kasalukuyang Pilipino. Nag-iiyakan at nag-tatawanan ang mga taong nanonood sa mga palabas sa mga estyudante dahil nakita nila na parang totoo ang ginawa nila.
Ang susunod na naganap sa pangyayari na ito ay ang Larong Pinoy. At dahil ang mga bata ngayong henerasyon ay naaadik na sa teknolohiya, ginawan namin ng paraan upang maramdaman nila ang saya ng mga bata noong panahong wala pang “gadgets”. Ang mga Larong Pinoy na nilaro namin ay pagtanim ng palay, sack race, basag palayok, luksong baka, sasayaw gamit ang diyaro, tug of war, at iba pa. Kahit na maikling oras lang silang naglaro, natuwa pa rin sila dahil ang karanasan na ito ay hindi nila naramdaman sa kanilang childhood.
At sa huling gawain sa pangyayring ito ay mayroong kanya-kanyang mga gawain sa mga silid-aralan ng mga estyudante. Ang ibang baitang ay naglalaro kasama mga kaklase nila at yung iba naman ay nag-kainan ng mga sariwang pagkain ng mga Pinoy. Ang Buwan ng Wika ay isa sa mga pinakamasayang pagdiriwang sa paaralan namin kaya naghihintay tayo sa susunod na Buwan ng Wika.
Comments